Nasaan ang mga libro ko?

Posted

 

Kung binuksan mo kamakailan ang Bookshelf at nawawala  ang iyong mga libro, kailangan mong mag-update sa pinakabagong bersyon ng Bookshelf. Narito kung paano:

  1. I-download ang pinakabagong bersyon ng Bookshelf.
  2. Sundin ang mga tagubilin para sa installation.
  3. Matapos i-install ang pinakabagong bersyon ng Bookshelf, buksan ang Bookshelf
  4. Mag-click sa Menu ng Account at piliin ang I-update ang Listahan ng Libro.
  5. Muling lalabas  ang mga libro mo sa iyong library.
  • Tandaan: Kailangan mo ng isang gumaganang internet connection para  makapag-upgrade.


Bakit kailangan kong mag-upgrade sa pinakabagong bersyon ng Bookshelf?

  • Ito ay bahagi ng aming pinalawak na pagpapahusay sa seguridad – tulad ng aming password scheme at mga update sa pangseguridad na tanong. Ina-update namin ang aming apps para gawing mas ligtas.
  • Ang upgrade na ito ay magpoprotekta sa mga user at nilalaman ng Bookshelf mula sa mga kasalukuyan at panghinaharap na pag-atake at malware.
  • Nais namin na gamitin ng lahat ng user ang pinakabagong bersyon ng Bookshelf para mapakinabangan nila ang mga kamakailan na inilabas na feature, pagpapahusay sa pagganap at pag-aayos sa bug.

Tulong! Hindi ko alam kung anong gagawin.

Kung hindi ka pa rin sigurado kung anong gagawin, mangyaring makipag-ugnayan sa aming 24/7 support team:

Sa email: support@vitalsource.com
Sa telepono:

  • Sa US/Canada, mangyaring tumawag sa: 1-855-200-414
  • Sa UK, mangyaring tumawag sa: +44 800 802 1506
  • Sa Australia mangyaring tumawag sa: +61 8 7111 3343
people found this useful.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito